MENOR DE EDAD, TIMBOG SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA

27
Nasakote ng mga otoridad ang isang menor de edad dahil sa pagtutulak ng droga sa Brgy. Ugac Sur, Tuguegarao City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek na si alyas KD, 17 anyos, estudyante at nakalista bilang Street Level Individual.

Nabentahan nito ang isang nagpanggap na poseur buyer ng tatlong pirasong papel na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng hinihinalaang marijuana na tinatayang nasa P5,000 halaga.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang P3,000, dalawang piraso ng P1,000 boodle money at isang yunit ng cellphone.

Ang isinagawang buy bust operation ay sa pagtutulungan ng Provincial Intelligence Unit ng Cagayan PPO at Tuguegarao City Police.

Naipasakamay na sa Women & Child Protection Desk ng Tuguegarao City PS ang suspek para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na rin ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso rito.

Facebook Comments