PHO PANGASINAN NANAWAGAN SA MGA PANGASINENSE NA TANGKILIKIN ANG MGA INILUNSAD NA VACCINATION SITES

33
Nanawagan ang ahensya ng Provincial health Office ng Pangasinan sa publiko na tangkilikin ang mga inilunsad na vaccination sites.
Ito ay upang maabot ang target na halos siyamnapung porsyento (90%) sa mga Senior Citizen o A2 category ang mabakunahan lalo na ng booster shot at limampung porsyento naman sa general population.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Ana Teresa De Guzman, kanila ng inabisuhan ang kanilang counterpart sa mga bayan at lungsod sa lalawigan na paigtingin ang “Booster Vaccination” sa kanilang nasasakupan laban sa COVID-19.

Samantala, nagpapatuloy ang mga isinasagawang vaccination roll-out sa lalawigan upang magkaroon ng proteksyon sa sakit na COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments