Mga bangka na sinasakyan ng mga estudyante, babantayan din ng PCG

58

Binabantayan din ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga bangka na hindi awtorisadong magsakay ng mga pasahero.

Tinitingnan din ng PCG kung kumpleto sa mga kagamitan ang mga pampublikong sasakyang pandagat.

Layon nito na matiyak ang seguridad ng mga pasahero lalo na ang mga estudyanteng sumasakay sa mga bangka sa pagpasok sa eskwelahan.


Samantala, sinuri na rin ng Philippine Ports Authority ang mga pantalan sa buong bansa para sa kahandaan nito sa darating na Lunes.

Facebook Comments