
Nagpapatuloy ngayong araw ang Day 35 ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung saan haharap ang ilan pang mga kinatawan ng bangko na sinasabing may accounts sina VP Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio.
Nasa 12 ang planong iharap ngayong araw kung saan 11 ang kinatawan mula sa pitong mga bangko habang 1 ang mula naman sa insurance.
Kahapon ay may dalawang Landbank branch managers na nagpatotoo na may accounts sa kanila si Duterte at Carpio.
Sinabi naman ni Impeachment court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na, posibleng kayanin sa buong maghapon ang pagharap ng mga bank at insurance representatives na maglalahad ng summary ng mga hiningi sa kanilang impormasyon at kumpirmasyon ukol sa bank accounts ng vice president at kaniyang asawa.
Inaasahan aniya na magiging mabilis na ang ipagagawa sa kanila na procedural na pag authenticate o pagpapatotoo sa records na nanggaling sa kanilang mga bangko matapos ang naging ruling kahapon ni Presiding Officer Chiz Escudero.










