
Bumaba sa 5.3% noong Agosto, mula sa 6% noong Hulyo, ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o negosyo sa Pilipinas, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA ngayong Miyerkules, Oct. 7.
Katumbas ito ng 2.77 milyong Pilipino na walang trabaho noong Agosto, na mas mababa kumpara sa 3.14 milyon noong Hulyo.
Gayunman, mas mataas ang nasabing bilang, kumpara sa 3.9% unemployment rate o 2.03 milyong Pilipinong walang trabaho na naitala noong August 2025.
Samantala, bahagya namang umakyat sa 94.7% ang employment rate, o 49.79 milyong bilang ng mga Pilipino ang naitalang may trabaho o negosyo noong Agosto, kumpara sa 94% employment rate noong Hulyo.
Facebook Comments










