Sinanay sa Basic Life Support (BLS) at First Aid Training ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils (BDRRMCs) sa mga barangay ng San Jacinto, Pangasinan.
Ito ay matapos pormal na sinimulan ang unang araw ng pagsasanay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kasama ang isang humanitarian organization.
Ayon sa ulat ng MDRRMO San Jacinto, tinuro ang mga kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga agarang lunas at life-saving interventions tuwing may emergency at sakuna.
Kabilang dito ang pagtugon sa mga insidente gaya ng pagkahimatay, aksidente at iba pang kritikal na sitwasyon.
Ayon sa MDRRMO, kailangan ito ng mga local responders at partner agencies para sa maayos na emergency response sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








