Patuloy na isinasagawa sa iba’t ibang barangay sa Dagupan City ang 51 infrastructure projects na kinabibilangan ng school buildings, road at drainage projects, gymnasiums, at iba pang government facilities.
Batay sa inilabas na update ng lokal na pamahalaan, kabilang sa mga kasalukuyang ongoing projects ang pagtatayo ng mga classroom buildings sa ilang paaralan, road concreting at drainage improvements sa iba’t ibang barangay, gayundin ang konstruksyon ng evacuation center at ilang multi-purpose buildings.
May ilan ding proyekto na nasa for lay-out, for mobilization, at for turnover stage habang nagpapatuloy ang implementasyon ng mga ito.
Ayon sa city government, regular ding nire-review ang status ng mga proyekto kasama ang City Engineering Office upang mabantayan ang progreso ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








