MASASAKA SA ILOCOS NORTE NA NAGPOSITIBO SA RAPID ANTIGEN TEST, NAGPAKAMATAY

Pinaniniwalaang nagpakamatay ang isang magsasaka matapos itong mag positibo sa rapid antigen test sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.

Nakilala ito na si Elmer, 65 anyos at nakatira sa Brgy Aggasi.

Ayon sa impormasyong nakalap mula sa Pagudpud Municipal Police Station, laking gulat ni Jay nang makita nito ang kanyang tiyuhin na nakasabit na ang leeg nito sa bintana ng kanyang bahay gamit ang isang nylon rope.

Ang biktima ay mayroong karamdaman sa kalusugan at ayon na rin sa mga otoridad ay nagpositibo ito sa Antigen Test kung saan sinabihan siyang suma-ilalim sa isolation alinsunod sa protocol.

Naniniwala ang kanyang kaanak na nadepress ito kaya nagawang kitilin ang sarili nitong buhay. | ifmnews

Facebook Comments