
Inihayag ng mga benepisyaryo ng PWD pension ang kanilang mga hinaing kaugnay ng pagsususpinde ng kanilang natatanggap na benepisyo, na iniharap sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng San Carlos City, Pangasinan noong Hulyo 8, 2026.
Dumalo ang mga opisyal ng PWD Federation at inilatag sa konseho ang mga hamon na nararanasan ng mga apektadong benepisyaryo at ang epekto ng pagkawala ng pansamantalang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon sa grupo, mahalaga ang pension program sa pagtugon sa gastusin at pangangailangan ng mga persons with disabilities (PWDs), kaya hiniling nilang mabigyan ng pansin ang kanilang kalagayan.
Kaugnay nito, sinuri rin ng Sangguniang Panlungsod ang maaaring maging interbensyon na naaayon sa umiiral na mga batas, polisiya, at regulasyon ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










