Mga biro tungkol sa pagbabanta sa buhay, dapat i-discourage —Sen. Pimentel

Umapela si Senate Minority Leader Koko Pimentel na sikaping pigilan ang mga biro tungkol sa pagbabanta sa buhay lalo na kung ito ay ginawa sa isang public forum.

Ang reaskyong ito ni Pimentel ay kasunod ng “kill joke” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 15 senador para makapasok sa Senado ang mga pambato ng kanilang partido.

Ayon kay Pimentel, bagama’t hindi naman siya natakot sa ginawang biro ng dating pangulo ay delikado pa rin ang ganitong mga pahayag.

Paliwanag ng lider ng oposisyon sa Senado, may followers pa rin si Duterte at hindi sigurado kung papaano nila tatanggapin ang mga ganitong biro dahil posible itong seryosohin.

Samantala, ipinauubaya naman ni Pimentel sa Department of Justice o DOJ at National Bureau of Investigation o NBI kung may kaso bang dapat kaharapin si Duterte sa kanyang naging pahayag.

Facebook Comments