LIBRENG ULTRASOUND AT PRENATAL CARE, INILAPIT SA MGA BUNTIS SA MANAOAG

Nakinabang ang mga buntis sa Manaoag sa iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan sa isinagawang Buntis Congress 2026 ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO), bilang bahagi ng pagpapalakas ng maternal healthcare sa bayan.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng ultrasound, prenatal check-up, konsultasyon sa mga espesyalista sa Obstetrics and Gynecology (OB-GYNE), at pamamahagi ng medical kits, dental kits, bitamina, at mga gamot upang masuportahan ang kalusugan ng mga ina sa panahon ng pagbubuntis.

Binigyang-pansin din sa programa ang kahalagahan ng oral health ng mga nagdadalang-tao sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng dental kits mula sa Office of the Municipal Dentist.

Pinangunahan ng Municipal Health Office ang programa, katuwang ang Department of Health (DOH), mga Barangay Health Workers (BHWs), at Program Focal Person for Pregnant Women, sa koordinasyon ng mga aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments