Nakatanggap ng kagamitang chest freezer ang 37 Child Development Centers (CDCs) sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng pagpapalakas ng Supplemental Feeding Program para sa mga batang mag-aaral.
Pagtitiyak ito na ligtas ang pag-iimbak ng mga pagkain at iba pang suplay na ginagamit sa isinasagawang feeding program.
Inaasahang makatutulong rin ito upang mapanatili ang kalidad ng pagkain at maging mas episyente ang paghahanda ng masustansyang pagkain para sa mga batang nasa CDCs.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na pinagtitibay ng pamahalaang bayan ang suporta nito sa mga Child Development Centers upang matiyak ang mas maayos na nutrisyon, pangangalaga, at edukasyon para sa mga batang San Nicolanian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










