BARANGAY FRONTLINERS SA LUCAO, SINANAY SA PAGTUGON SA POSIBLENG BOMB THREATS

Sumailalim sa pagsasanay ang mga barangay frontliner sa Barangay Lucao, Dagupan City upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa tamang pagresponde sa mga insidenteng may kaugnayan sa bomba at iba pang explosives.

Isinagawa ng Police Station 4 ang Project A.B.K.D. o Awareness of Bombs that Kill Lives and Destroy Properties Seminar na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Council, Barangay Security Force at Barangay Health Workers.

Pangunahing tinalakay sa seminar ang bomb awareness, public safety at preparedness, kabilang ang mga dapat gawin sakaling makakita ng kahina-hinalang bagay o makatanggap ng ulat hinggil sa posibleng explosive device.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pag-uulat sa mga awtoridad, pag-iwas sa paghawak o paglapit sa kahina-hinalang bagay, at pagpapanatiling ligtas ng mga residente habang hinihintay ang mga awtorisadong personnel.

Tinalakay rin ang papel ng Explosive Ordnance Disposal o EOD personnel sa paghawak at pagresponde sa mga insidenteng kinasasangkutan ng hinihinalang explosives.

Layunin ng pagsasanay na maging mas handa ang mga barangay frontliner sa pagprotekta sa publiko at sa wastong pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng ganitong uri ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments