Mga dadalo sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos, pinapayuhang magdala ng vaccine card

102

Pinapayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga taga-suporta ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at mga magtutungo sa inagurasyon nito sa Huwebes sa National Museum na magdala ng vaccine card.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na mahigpit pa ring paiiralin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagdi-disinfect ng mga kamay.

Ayon kay Malaya, dapat ding tiyakin ng mga dadalo o sasaksi sa inagurasyon na sila ay fully vaccinated.


Kasunod nito ay dapat dala-dala ng mga dadalo ang kanilang vaccine card upang kapag sila ay dumaan sa screening ay maipapakita nila ito sa mga awtoridad.

Paliwanag ng opisyal, ayaw naman nilang maging superspreader event ang naturang makasaysayang event kung kaya’t dapat panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum public health protocols.

Facebook Comments