LGU Maddela, Kinilala bilang Best Implementer on Population and Development

32
Cauayan City, Isabela- Nakasungkit ng parangal ang Local Government Unit of Maddela, Quirino sa 2022 Kaunlarang Pantao Awarding Ceremony ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila.

Ito ay pagkilala sa mahalagang kontribusyon at makabuluhang pagsisikap sa population at development kung saan hinirang na 3rd place ang LGU Maddela bilang Best Implementer on Population and Development (POPDEV)-Municipal Category.

Bukod sa pagkilala, nakatanggap rin ng P100,000.00 ang LGU, plaque, certificate of recognition matapos umarangkada sa POPDEV program sa gitna ng pandemya.

Personal na tinanggap ni Mayor Rimel C. Tolentino ang parangal kasama ang ilang kinatawan Population Program Office.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa pagkilala na kanilang natanggap at pagbibigay-diin sa mga ipinatupad ng Municipal Population Office para sa benepisyo ng nakararami.

Facebook Comments