Senator Pangilinan, handang magbitiw bilang Chairman ng Committee on Constitutional Amendments

Nag-trending ngayon sa twitter ang #OustKiko na layuning mapalitan si Senator Kiko Pangilinan bilang Chairman ng Committee on Constitutional Ammendments and Revision of Codes.

Base sa mga post, dapat mapalitan si Pangilinan ng makausad ang panukalang amyendahan ang konstitusyon para matugunan ang COVID-19.

Diin naman ni Pangilinan, handa siyang magbitiw bilang Chairman ng komite kung ito ang pasya ng liderato ng Senado pero hindi dahil sa online ‘clamor’ ng mga bayarang trolls.


Dagdag pa ni Pangilinan, ang mga nagmumungkahi na Charter Change ang solusyon sa COVID ay mukhang galing sa ibang planeta.

Sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang trending #OustKiko ay pauso lang ng isang namamahala sa troll farm.

Inihayag naman nina Senate President Tito Sotto III at Senate President Pro Tempore Ralph Recto na wala silang alam at naririnig na pagkilos para mapalitan si Pangilinan bilang Chairman ng nasabing komite.

Facebook Comments