BAHAGI NG MANILA RAILROAD (MRR) NORTH AT SOUTH ROADS SA BRGY. MAYOMBO, BINUKSAN NA SA MGA MOTORISTA

Pormal nang binuksan sa publiko kahapon, June 29 ang bahagi ng Manila Railroad (MRR) North at South Roads sa Barangay Mayombo.

Maaari nang dumaan sa naturang kalsada ang mga pampubliko at pribadong sasakyan na patungo sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, San Jacinto, Mapandan, gayundin sa mga eastern barangays ng Dagupan City.

Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng proyekto na mapagaan ang daloy ng trapiko sa naturang lugar. Ang konstruksyon ng kalsada ay pinondohan sa ilalim ng Development Fund para sa Calendar Year 2026.

Pinangunahan ang pagbubukas ng kalsada nina Dagupan City Mayor Belen Fernandez, City Engineer Josephine Corpuz at Public Order and Safety Office Chief Arvin Decano.

Inaasahang makatutulong ang pagbubukas ng MRR North at South Roads sa pagpapabuti ng konektibidad at pagpapabilis ng biyahe ng mga motorista sa silangang bahagi ng lungsod at mga karatig-bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments