
Nakiisa ang Urdaneta City National High School Batch ’92 Foundation, katuwang ang Rotary Club of Makati Paseo de Magallanes, sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na ginanap sa lumang City Hall ng Urdaneta City.
Isinagawa ang programa sa ilalim ng temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga mag-aaral, volunteers, at iba pang community partners na sama-samang nakibahagi sa mga gawaing nagpapalawak ng kamalayan sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran.
Bahagi ang naturang selebrasyon ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan, nutrisyon, at pangangalaga sa kalikasan sa lungsod ng Urdaneta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










