MGA KABILANG SA VULNERABLE SECTOR SA SAN FABIAN, PATULOY NA NAKATATANGGAP NG UPLIFT ASSISTANCE

‎Patuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang kabilang sa vulnerable sectors sa San Fabian, Pangasinan, sa ilalim ng UPLIFT Program.

‎Noong Agosto 11, 2026, nasa 499 karagdagang benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ang nakatanggap ng tig-₱2,000 na assistance, matapos dumaan sa validation at interview ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

‎Kabilang sa mga bagong benepisyaryo ang mga natukoy batay sa datos ng Community-Based Monitoring System (CBMS), na nagsisilbing batayan sa pagtukoy sa mga pamilyang nangangailangan ng karagdagang suporta.

‎Nauna nang isinagawa ang unang batch ng payout noong Hulyo 20, kung saan 978 pamilya ang nakatanggap ng tig-₱2,000.

‎Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng ₱2,000 kada buwan sa loob ng anim na buwan, mula Hulyo hanggang Disyembre 2026.

‎Bukod sa mismong payout, naglaan din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Help Desk upang tumulong sa mga benepisyaryo na may concerns kaugnay ng kanilang GCash, LandBank at iba pang account.

‎Sa pagpapatuloy ng payout, binibigyang-diin ng programa ang kahalagahan ng tamang validation at paggamit ng datos upang matiyak na nakararating ang tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments