6TH HUNDRED ISLANDS FILM FESTIVAL, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Pinangunahan ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste ang matagumpay na pagdiriwang ng 6th Hundred Islands Film Festival o HIFF VI, na nagtampok sa talento at sining ng pelikula at nagsulong ng pagkakaisa ng komunidad.

Matagumpay na isinagawa kamakailan ang Awards Night at Closing Program ng 6th Hundred Islands Film Festival sa Don Leopoldo Sison Convention Center, bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng talento at sining ng pelikula sa lungsod.

Nagpaabot si Mayor Arth Bryan Celeste ng pasasalamat at suporta sa mga filmmakers, participants, partners at sponsors na naging bahagi ng festival. Nakibahagi rin ang alkalde sa programa sa pamamagitan ng kanyang Exhibition Film na ipinalabas sa Awards Night.

Binigyang-diin naman ng mga opisyal ng lungsod ang mahalagang papel ng pelikula bilang daluyan ng malikhaing pagpapahayag, paglinang ng talento ng kabataan, pagpapakilala sa kultura at kagandahan ng Alaminos, at pagsusulong ng turismo.

Nagpasalamat din si Festival Director Dr. Raquel Rarang sa lahat ng tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng HIFF VI, habang kinilala rin ang ambag ng festival sa pagsusulong ng sining, kultura at pagkakaisa ng komunidad.

Sa pagtatapos ng festival, muling pinasalamatan ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang lahat ng filmmakers, participants, partners, sponsors, guests at buong komunidad na nakiisa sa pagdiriwang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments