Ipinagpaliban ng Commission on Elections o COMELEC Malasiqui ang nakatakdang orientation at briefing para sa mga nagnanais kumandidato sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.
Nakatakda sanang idaos ang aktibidad noong Agosto 10, ngunit hindi na ito itinuloy kasabay ng pagpapatupad ng work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Pangasinan bunsod ng masamang panahon.
Ayon sa COMELEC Malasiqui, isinagawa ang pagpapaliban bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga dadalo sa aktibidad.Layunin sana ng orientation na mabigyan ang mga BSKE aspirant ng mahahalagang impormasyon at gabay hinggil sa mga alituntunin, proseso at iba pang usaping may kaugnayan sa halalan.
Wala pang inilalabas na bagong petsa para sa ipinagpalibang aktibidad.
Sinabi ng COMELEC Malasiqui na iaanunsyo sa kanilang mga opisyal na channel ang rescheduled date kapag pinal na ang bagong iskedyul.
Pinapayuhan naman ang mga interesadong aspirante na bantayan ang mga susunod na opisyal na anunsyo ng COMELEC at iwasang umasa sa hindi beripikadong impormasyon hinggil sa bagong schedule. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










