KADIWA ng pangulo, dalawang araw na magbubukas sa Navotas ayon sa DA

 

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na muling dadayo sa Lungsod ng Navotas ang KADIWA ng pangulo bukas, Pebrero a-15 at 29 ngayong taon.

Ayon sa DA, gaganapin ang KADIWA ng pangulo sa Navotas Central Park mula alas 8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon bukas Pebrero 15 at 29.

Paliwanag pa ng DA na ngayon pa lang, hinihikayat na ng Local Government Unit (LGU) ang mga residente na samantalahin ang pagkakataong ito para makabili ng mga sariwang produkto sa abot-kayang presyo.


Mabibili sa KADIWA market ang mga gulay, prutas, karne, isda, itlog at iba pang mga produkto na direktang hinahango mula sa mga magsasaka.

Facebook Comments