Mga katwiran ni FPRRD sa kaniyang war on drugs, mga palusot lang —labor groups

Hindi bumenta sa hanay ng mga manggagawa ang umano ay mga palusot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa madugo niyang war on drugs.

Ito ang reaksyon ng Nagkaisa Labor Coalition matapos bigyang katwiran ni Duterte ang maraming pagkamatay sa ilalim ng kaniyang kampanya kontra droga.

Ayon kay Duterte, ginawa lang umano niya ang lahat ng kaniyang makakaya na solusyunan ang drug problem.

Hindi naman umano siya o kaniyang pamilya ang nagbenepisyo dito kundi ang sambayanang Pilipino.

Ayon sa grupo, mali ang ganitong pangangatwiran.

Giit ng grupo, walang marangal na hangarin na magbibigay katwiran sa maramihang pagpatay na katumbas ng crimes against humanity sa ilalim ng Rome Statute ng International Criminal Court.

Dagdag ng Nagkaisa, ang war on drugs ni Duterte ay hindi umano upang labanan ang operasyon ng illegal drugs.

Ito umano ay naging giyera kontra mahihirap at upang patahimikin ang kaniyang mga kritiko.

Facebook Comments