VP Sara, tila nagpahiwatig ng pagtakbo sa 2028 sa harap ng OFWs sa Hong Kong

Tila nagpahiwatig si Vice President Sara Duterte ng pagtakbo sa halalan sa 2028.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Overseas Filipino Workers o OFWs sa Hong Kong, pinasalamatan ni VP Sara ang Filipino community doon sa aniya’y naging suporta sa kanya at sa dating Pangulong Duterte.

Ayon sa pangalawang pangulo, simula noong 2016 kung saan nanalong pangulo ang kanyang ama hanggang ngayong 2025 ay nakasuporta pa rin ang OFWs sa Hong Kong.

Dinugtungan din niya ito ng hanggang sa halalan sa 2028, pero kanya naman itong binawi sa pagsasabi ng “joke lang.”

Muli ring pinaalalahanan ni VP Sara ang mga OFW na huwag iboto ang mga kandidato dahil lamang sa apelyidong Duterte.

Aniya, mainam na suriin muna ang isang kandidato kung ito ba ay may magagawa para sa bayan.

Facebook Comments