Mga kliyente ng isang Chinese national na nagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot, napag-alamang POGO workers

Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP na pawang mga dayuhan din ang mga kliyente ng naarestong Chinese national sa Pasay City na sangkot sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot.

Ayon sa PNP-CIDG, POGO workers ang parokyano ng suspek na si alyas Wenkai.

Bukod sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot, dito rin patagong sumasailalim sa checkup ang mga POGO worker.

Palihim ang operasyon nito upang maiwasang malantad ang pagkakakilanlan ng kanilang mga kliyente.

Matatandaang tinatayang aabot sa P500,000.00 ang halaga ng unregistered medicines ang nasabat ng mga awtoridad laban sa naturang suspek.

Facebook Comments