Mga kongresista, nagpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Cong. Rolando Andaya Jr.

144

Bumuhos ng mensahe ng pakikiramay ang mga kongresista sa pagkamatay ni dating House Majority Leader at dating kinatawan ng unang distrito ng Camarines Sur Rolando Andaya Jr.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, ikinagulat at ikinalungkot niya ang balita.

Aniya, hindi lang niya nakasama si Andaya sa Kongreso kundi maging sa gabinete ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Budget Secretary.


Para kay AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, si Andaya ang nagturo sa kanya pano papanalunin ang laban ng may “attitude”.

Bukod dito, isa si Andaya sa mga mahuhusay na kongresista kaya naman buong Kongreso ay nagluluksa sa kaniyang pagpanaw.

Nagpaabot din ng pakikiramay si dating Congressman Mike Defensor, na dating kasama naman ni Andaya sa Kamara kung saan nakilala sila sa tawag na “spice boys”.



Sinabi ni Defensor na nalulungkot siya sa balita ng pagkamatay ni Andaya na nataon sa kanyang kaarawan.

Sa halip ng batiin siya sa kaniyang kaarawan kahapon ay humingi ng panalangin si Defensor sa pagyao ng kaibigan.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP Naga sa sinasabing pagpapakamatay ng dating mambabatas.

Facebook Comments