17 Pinoy seafarers na binihag ng Houthi rebeles sa Red Sea noong 2023, pinalaya na —PBBM

Matapos ang higit isang taong pagkakabihag sa Yemen, pinakawalan na ang 17 Pilipinong tripulante na binihag ng Houthi Rebels sa Red Sea noong November 2023.

Ito ang inanunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaninang madaling araw.

Ayon sa Pangulo, ligtas na pinalaya ang lahat ng seafarers kasama ang iba pang crew members ng MV galaxy leader.


Ang mga ito ay nasa pangangalaga na ng Philippine Embassy sa Muscat, Oman, at kalauna’y makauuwi na sa bansa.

Nagpasalamat naman ang Pangulo kay Oman Sultan Haitham Bin Tarik at sa kanyang gobyerno para sa matagumpay nilang negosasyon.

Kinilala rin nito ang kaukulang ahensya ng Pilipinas at private instrumentalities na walang-pagod na nakipagtulungan sa foreign government at entities para mapalaya ang mga Pinoy matapos ang 429 na araw.

Facebook Comments