Mga lugar na may mababang vaccination rate, tututukan ng NVOC

47

Tiniyak ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na pagsisikapan nilang maabot ang mga lugar na may high vaccination hesitancy at low inoculation output.

Ayon kay Department of Science and Technology Vaccine Expert Panel Head Dr. Nina Gloriani, mahalagang bakunahan ang mga taong may agam-agam sa COVID-19 vaccine.

Aniya, maraming rehiyon sa labas ng National Capital Region (NCR) ang may mga residente na hindi pa nakatatanggap ng kahit first dose ng bakuna.


Giit ni Gloriani, ang transmission ng COVID ay maaaring magpatuloy sa mga lugar na may mababang vaccination percentage.

Sa ngayon, umabot na sa 52,856,932 indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID.

Facebook Comments