Pagsasagawa muli ng massive vaccination drive, inihirit ng isang kongresista

99

Hiniling ngayon ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes sa pamahalaan na maglunsad ng isa pang malawakang vaccination drive sa bansa.

Ayon kay Robes, dahil sa National Vaccination Days na ginawa noong nakaraang taon, pumalo na sa 82.89% ng target population ng kanyang distrito ang nabakunahan.

Naniniwala ang kongresista na malaki ang kontribusyon ng 3-day National Vaccination para makamit nila ang naturang bilang.


Nananawagan si Robes sa Inter-Agency Task Force (IATF) na magsagawa muli ng isa pang round ng massive vaccination drive upang makatulong na maibaba ang mga kaso dulot ng COVID-19 Omicron variant.

Tinukoy nito na hanggang January 11, 53 million na Pilipino o 47.9% pa lang ang fully vaccinated, malayo pa sa 70% na target herd immunity.

Facebook Comments