
Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang Department of Education (DepEd) na isailalim muna sa online classes ang mga mag-aaral habang humaharap ang bansa sa napakatinding init ng panahon.
Ang apela ng senador ay sa gitna na rin ng mga advisories kaugnay sa mataas na heat index.
Sinabi ni Go sa DepEd na kung kakailanganin talaga ay mag-adjust muna at isailalim sa online learning ang mga estudyante sa lahat ng mga paaralan dahil mas mahalaga ngayon ang kalusugan ng bawat kabataan.
Hinikayat din ng mambabatas ang mga employers na magpatupad ng flexible working arrangements sa kanilang mga manggagawa upang mabawasan ang exposure sa matinding init ng panahon.
Nanawagan din ang senador sa mga kawani ng gobyerno na ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo subalit huwag ding balewalain ang banta ng mataas na temperatura.