Mga luxury car na nadiskubre sa mga ginawang raid ng BOC, pag-aari ng mga POGO boss ayon sa isang senador

Napag-alaman na pagmamay-ari ng mga POGO boss ang mga smuggled na luxury car na unang nadiskubre sa tatlong malalaking raids ng Bureau of Customs (BOC) noong Pebrero.

Batay sa impormasyon ni Senator Sherwin Gatchalian, naipasok sa bansa ng mga POGO bosses ang mga luxury vehicles nang walang documentation at hindi nagbayad ng buwis.

Dahil ipinagbawal na ang POGO sa bansa ay ipinabebenta na ng mga POGO bosses ang mga sasakyan sa bodega.

Pahirapan lamang ang pagbebenta dahil walang papeles ang mga luxury car dahil smuggled ang mga ito.

Ginagamit lamang ng mga ito ang high-end vehicles para i-flaunt o ipagyabang na bahagi ng kanilang industriya.

Plano ni Gatchalian na magpatawag ng pagdinig para silipin ang smuggling ng ₱2.7 billion na halaga ng luxury vehicles na nadiskubre sa mga car shop at warehouse sa Pasay, Taguig, Parañaque at Makati.

Facebook Comments