Muling nagsagawa ng feeding activity ang Meals on Wheels Truck sa Barangay Tebag, San Carlos City bilang bahagi ng Community Feeding Program ng lokal na pamahalaan.
Namahagi ng masustansyang pagkain sa mga residente ng barangay ang programa, na nakatuon sa kalusugan at nutrisyon ng komunidad.
Ang aktibidad sa Tebag ay bahagi ng serye ng feeding activities na isinasagawa sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Nauna nang isinagawa ang kahalintulad na aktibidad sa mga Barangay Tarece, Bani, Matagdem, Abanon at Isla.
Sa mga naunang aktibidad, isinabay sa pamamahagi ng pagkain ang mga impormasyon tungkol sa nutrisyon.
Sa Barangay Bani, nagkaroon ng nutritional lecture, habang sa Barangay Matagdem ay namahagi rin ng iodized salt kasabay ng feeding activity.
Patuloy na umiikot ang Meals on Wheels sa mga barangay ng San Carlos City bilang bahagi ng pagpapatupad ng Community Feeding Program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












