Nagpapatuloy ang search, rescue at retrieval operation sa Bayambang kaugnay ng insidente ng isang SUV na nahulog sa Agana Bridge sa Tarlac City, Pampanga.

Ilan sa mga biktima ang natagpuan sa Bayambang, kaya nagpapatuloy ang pagtutok ng mga awtoridad sa mga pampang ng ilog sa lugar.

Nakipag-ugnayan ang Bayambang Municipal Police Station sa mga opisyal ng Barangay San Vicente, Ambayat at Warding para sa tuloy-tuloy na paghahanap at retrieval operation.

Kaugnay ito ng insidente sa Tarlac City kung saan apat na katao ang naiulat na sakay ng SUV.

Nagpapatuloy din ang search and rescue operations sa iba pang lugar, kung saan nakikibahagi ang mga lokal na awtoridad at mga responders tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Patuloy ang koordinasyon ng mga search team sa Tarlac, Bayambang at iba pang lugar habang hinahanap ang nawawalang biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments