MGA MAG-AARAL SA REGION 1 NA MAAGANG NAG ENROLL PARA SA SCHOOL YEAR 2025-2026, UMABOT NA SA 146K

Umabot na sa 146,637 ang naitalang early registrants ng Department of Education Ilocos para sa sa school year 2025-2026.

Ayon kay Joey Pimentel, Regional Statistician ng DepEd Ilocos, ang bilang ay binubuo ng 30,850 sa Kindergarten, 43,595 sa Baitang 1, 35,129 sa Baitang 7, at 37,063 sa Baitang 11.

Nakuha ang datos mula sa 3,028 na paaralan sa 3,050 sa rehiyon, kung saan 22 pribadong paaralan naman ang hindi pa nakapag-submit ng datos.

Ang early registration ay isinagawa mula Enero 25 hanggang Pebrero 15 upang matulungan ang kagawaran sa paghahanda para sa susunod na taon ng klase.

Dagdag pa ni Pimentel na may pagbaba sa bilang ng mga nagparehistro ay isang indikasyon ng pagbaba ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral, na maaaring dulot ng mababang populasyon sa rehiyon.

Para naman sa mga hindi nakapagparehistro, maaari pa rin umano silang mag-enroll sa opisyal na enrollment period sa darating na school year. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments