Naipasakamay na sa Department of Information and Communications Technology (DICT) Ilocos ang Government Emergency Communications System – Mobile Operations Vehicle for Emergency (GECS-MOVE) mula sa United Nations at World Food Program.
Layon ng nito na makapagbigay ng maayos na na information communications technology (ICT) sa gitna ng kalamidad upang patuloy na maitaguyod ang koneksyon at koordinasyon ng bawat isa. Makakatulong din ito na palakasin pa ang disaster preparedness at emergency response ng mga komunidad sa rehiyon.
Samantala, sa pamamagitan nito, mapapalakas ang ugnayan ng gobyerno at mga residente upang tugunan ang mga matutukoy na pangangailangan ng mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments