LALAKING NAGNAKAW NG CELLPHONE, NAHULIHAN NG SHABU NA ISINILID SA KAHON NG SIGARILYO

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu habang nag-iikot ang mga tanod sa Brgy. Poblacion, Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 23 anyos residente ng nasabing lungsod. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinara umano ng mga tanod ang suspek na lulan ng motorsiklo matapos makipag-ugnayan ang mga opisyal ng karatig barangay dahil sa ninakaw umano nitong cellphone.

Nagpumiglas ang suspek kaya napilitan umano itong dalhin sa barangay hall kung saan aksidenteng nahulog sa bulsa nito ang kahon ng sigarilyo na naglalaman ng shabu habang inilalabas ang ninakaw na cellphone.
Tinatayang humigit kumulang tatlong gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspek na nagkakahalaga ng P20, 400 kabilang ang pera na P23, 275 ang halaga. Haharap ang suspek sa mga kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments