PHO-AKLAN NAGLAGAY NG TSIKITING LIGTAS STICKERS SA MGA TERMINALS

Kalibo, Aklan – Nag lagay ng “Ligtas Tsikiting Stickers” sa mga terminals ng Kalibo ang Provincial Health Office staff. Ito ay kaparti ng kampanya ng gobyerno sa nationwide supplemental immunization program laban sa Measles Rubella at Polio. Kailangan umanong maraming mga magulang ang makakaalam na sa May 1-30, 2023 na ito gagawin upang iligtas ang mga batang wala pang limang taong gulang sa matinding komplikasyon dala ng nasabing sakit. Tanging ang pagpapabakuna lamang aniya ang paraan para ang tigdas at Polio ay maiwasan. Sinisiguro lamang umano ng PHO- Aklan na wala ng batang maoospital o mamamatay sa nasabing mga sakit.
Facebook Comments