Mga naitatalang aftershock kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon, umabot na sa 1,335

Umabot na sa 1,335 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon.

Sa nasabing bilang, 375 ang platted o mahinang pagyanig lamang habang 33 naman ang naramdaman.

Ang mga naitatalang aftershocks ay may lakas na magnitude 1.4 hanggang 5.0.


Babala ng PHIVOLCS, asahan pa rin ang mga aftershocks na posibleng magtagal ng ilang linggo.

Facebook Comments