Mga opisyal ng gobyerno, dapat maging responsable sa pagbabahagi ng content sa social media —Palasyo

Sa press briefing kanina, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na may responsibilidad ang mga public official sa kanilang mga binibitawang impormasyon o maging sine-share sa social media.

Kamakailan kasi nang isang Artificial Intelligence o AI generated video ang ibinahagi ni Senator Bato dela Rosa sa kaniyang social media kung saan isang batang estudyante ang nagsabing tutol siya sa kinakaharap na impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

May pasaring naman si Castro nang tanungin kung dapat bang mag-sorry ang mga opisyal na nag-share ng mga AI generated video na hindi totoo.

Samantala, sa kaparehong press briefing din nang linawin ni Usec. Castro na wala silang kaugnayan ni ACT-Teachers Party-list outgoing Rep. France Castro matapos sabihin ni VP Sara na magpinsan silang dalawa.

Facebook Comments