PBBM, hindi kailangang manghimasok sa isyu ng Senado at Kamara kaugnay sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte

Walang nakikitang rason o pangangailangan si Senate President Chiz Escudero para manghimasok si Pangulong Bongbong Marcos at solusyunan ang girian sa pagitan ng Senado at Kamara kaugnay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Escudero na hindi kailangang mamagitan ng pangulo dahil walang rason para gawin ito ni PBBM.

Naniniwala ang Senate president na ang isyu ng impeachment ay dapat na pag-usapan sa open court at hindi dapat sa loob ng isang silid na sarado ang pintuan.

Paliwanag ni Escudero, kapag na-established na ang impeachment ang lahat ng komunikasyon ay gagawin sa pamamagitan ng pleading at hindi sa pamamagitan ng press release, meeting o caucus o kahit social media.

Muling paalala ni Escudero sa Kamara na hindi sila magka-level dahil ang Senado ang impeachment court at ang Mababang Kapulungan ang prosekusyon kaya anumang utos ng tumatayong korte ay dapat na sundin.

Facebook Comments