Mga ospital na hindi nagpapasweldo ng tama sa medical workers, pinapakasuhan ni Senator Pacquiao

49

Pinapakilos ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang Department of Health (DOH), Department of Labor Employment (DOLE) at Department of Justice (DOJ).

Ito ay para protektahan ang kapakanan ng mga medical frontliners at kasuhan ang mga ospital at iba pang health care facilities na hindi nagpapasweldo sa kanila ng tama.

Panawagan ito ni Pacquiao sa harap ng matinding paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.


Diin ni Pacquiao, ang ating mga medical frontliners ang pinakamahalagang sektor sa gitna ng patuloy na problema natin dahil sa COVID-19.

kaya naman giit ni Pacquiao, kailangan silang pangalagaan upang hindi sila mawalan ng ganang pagsilbihan ang ating mga kababayan.

Facebook Comments