
Nagtungo sa Korte Suprema ang pamilya ng mga umano’y biktima ng extra-judicial killings noong panahon ng administrasyon Duterte para hilingin na ipa-disbar ang dating pangulo.
Ayon kay Atty. VJ Topacio, mataas ang pamantayan ng ethics sa mga abogado at nakita naman noong nagdaang administrasyon ang lantarang pambabatos at pambu-bully ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Atty. Topacio, walang karapatan ang dating Pangulo na maging abogado nang ipakita nito kung paano niya hindi sundin ang mga proseso at balewalain ang mga batas sa bansa.
Si Topacio ay anak ng dalawang peace consultants na pinaslang noong administrasyong Duterte
Kasama niya ang nasa 16 pang mga complainant kabilang ang iba pang kaanak ng mga umano’y biktima ng EJK nang nagdaang administrasyon na humihiling din na panagutin ang mga nasa likod ng hindi makatarungan pagpatay.