Pilipinas, posibleng magpatupad muli ng deployment ban sa Kuwait kasunod ng pagkasawi ng OFW na si Jenny Alvarado —DMW

Ikinukonsidera ng Department of Migrant Workers (DMW) ang posibleng pagsuspinde muli sa pagpapadala ng Pinoy domestic workers sa Kuwait.

Inihayag ito ng Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ay kasunod ng pagkamatay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jenny Alvarado dahil sa sinasabing coal suffocation.

Dahil din sa pagkamatay ni Alvarado, sinisilip muli ngayon ng DMW ang kalagayan ng 250,000 mga Pilipino na nagtatrabaho sa Kuwait kung saan, nasa 90% hanggang 95% sa mga ito ay nagtatrabaho bilang household workers.


Nilinaw naman ni Cacdac na ang suspensyon ay isa lamang sa mga opsyon habang ang isa pang pinag-aaralan ng DMW ay ang paghihigpit sa pagpapadala ng mga Pilipino sa Kuwait.

Magugunitang nitong June 2024 lamang inalis ng Pilipinas ang deployment ban sa Kuwait matapos naman na mapatay doon ang OFW na si Jullebee Ranara.

Facebook Comments