MGA PAMPASAHERONG KULIGLIG, MULING UMARANGKADA SA KASAGSAGAN NG BAHA SA CALASIAO

‎Muling umarangkada ang mga kuliglig sa ilang binahang kalsada sa Calasiao para magsilbing pampasada sa mga pasaherong kailangang bumiyahe.
‎‎Sa Barangay Mancup, ilan sa mga kuliglig ang patuloy na bumibiyahe kahit malakas ang agos ng baha.

‎Batay sa monitoring ng mga awtoridad, isa ang naturang kalsada sa mga labis na binabaha tuwing umaapaw ang tubig sa ilog at patuloy ang buhos ng ulan.

‎Ayon sa ilang drayber, alternatibo umanong sasakyan ang kuliglig ng mga residente dahil iilan lamang ang mga nakakaraan sa kalsada.

‎Naniningil ng P30 kada pasahero ang mga nagkukuliglig at kayang magsakay ng 10 hanggang 11 pasahero bawat biyahe.

‎Anila, umaabot sa P300 hanggang P500 kada araw ang gastos ng mga nagkukuliglig sa gasolina.

‎Mula sa mga lugar sa Buenlag at Mancup, hinahatid ang mga pasahero patungo sa bayan, mga sakayan ng jeep, at town center pabalik ng nansangaan.

‎Samantala, bukod sa bayan ng Calasiao, may mga namamasadang kuliglig na rin sa ilang nabahang parte ng Dagupan City dahil sa lalim ng tubig-baha, partikular sa Barangay Mayombo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments