Sa pag-iikot ng IFM News Dagupan sa lugar, nakapanayam ng aming team si Rommy Ballen, isang tricycle driver sa Sitio Bagong Barrio.
Ayon kay Ballen, nahihirapan siyang kumita sa pamamasada dahil limitado lamang ang kaniyang ruta sa loob ng Sitio Bagong Barrio, lalo na ngayong apektado ng baha ang kanilang lugar.
Dagdag pa ni Ballen, matagal nang nararanasan ang pagbaha sa kanilang lugar at umabot na umano ang tubig sa ilang kabahayan at may panawagan sa mga kinauukulan.
Samantala, nakapanayam din ng IFM News Dagupan si Councilor Tala Paras, na nagtungo sa lugar upang maghanda para sa feeding program na isasagawa sa Bonuan Evacuation Center.
Ayon kay Paras, naghahanda na rin ang pamahalaang lungsod sa mga hakbang at programa na maaaring makatulong sa mga residenteng apektado ng pagbaha.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha habang pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







