Ayon sa Pangasinan PPO, agad na ipinakalat ang mga tauhan ng kapulisan sa mga apektadong lugar upang magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Aktibo ring nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga Local Government Units (LGUs), Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (PDRRMO at MDRRMO), at iba pang response agencies upang mapabilis ang paghahatid ng tulong at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Kasabay nito, patuloy ring nagsasagawa ang Pangasinan PPO ng police visibility at security operations sa mga apektadong lugar upang mapanatili ang kaayusan, maprotektahan ang mga komunidad, at matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










