Mga pangalan para italaga bilang Executive Secretary, isinasailalim sa vetting process ng Office of the President

316

Nagsasagawa ngayon ng vetting process ang Office of the President para makapagtalaga ng bagong Executive Secretary.

Ito ay matapos ang pagbibitiw sa pwesto ni Atty. Victor Rodruguez bilang Executive Secretary o little president.

Ayon kay Press Secretary Trixie-Cruz Angeles may mga pangalan nang pinagpipilian para maging executive order ang Office of the President pero hindi niya ito isinapubliko.


Batay naman sa Administrative Order No. 1, kahit wala pang nai-uupong Executive Secretary magtutuloy-tuloy ang Office of the Executive Secretary sa supervision, control at oversight function sa lahat ng ahensya at tanggapan na nasa ilalim ng Office of the President batay na rin Executive order No. 1.

Isang matunog na pangalang papalit kay Atty. Rodriguez ay si Lucas Bersamin ang chairman ng GSIS Board of Trustees.

Facebook Comments