Mga pasahero patungong Caticlan, Boracay, dumadagsa pa rin sa NAIA

58

Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) na nangunguna pa rin sa pinakamaraming pasaherong dumadagsa ngayon ay patungo ng Caticlan.

Pangalawa aniya sa malaking volume ng pasahero ay patungo ng Tagbilaran, sumunod ang Puerto Princesa, Cebu, Davao at Bacolod.

Ayon kay Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villaluna, mahigit 90% ng mga pasaherong dumadagsa sa airport ay patungo sa mga nabanggit na destinasyon.


Pinapayuhan naman ang mga pasahero na mag-online check in isang araw bago ang kanilang flight para maiwasan ang mahabang pila.

Dapat din aniyang tiyakin na kumpleto ang kanilang travel documents tulad ng vaccine card o vaccination certificate at magdala ng valid government ID.

Ang mga pasahero naman na sasakay sa domestic flights ay pinapayuhan na magtungo sa airport dalawang oras bago ang kanilang flight, at 3 oras para sa international flights



Facebook Comments