Mga Pinoy sa Hong Kong, pinaalalahanan sa nalalapit na overseas voter registration

Pinaalalahanan ng Filipino community leaders sa Hong Kong ang kanilang mga kapwa-Pinoy roon sa pagsisimula ng overseas voter registration sa December 9, 2022.

Partikular na isasagawa ang pagpapatala sa Philippine Consulate sa Hong Kong.

Kasabay ito ng overseas voter registration sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa.


Habang ang mga papaalis pa lamang na Overseas Filipino Workers (OFWs) ay pinapayuhan naman na magpatala sa Office for Overseas Voting sa Maynila.

Layon nito na matiyak na sila ay makakalahok sa 2025 senatorial elections sa Philippine post sa bansa na kanilang pupuntahan.

Facebook Comments