
Isasailalim sa Red at Yellow Alerts ang Visayas Grid ngayong Huwebes, July 9, dahil sa ilang planta na hindi gumagana at kakulangan nang kapasidad ng ilan pang planta.
Sa anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang Red Alert o manipis na supply ng kuryente mamayang 5:00pm hanggang 7:00pm.
Samantala, ipapatupad naman ang Yellow Alert o kakulangan sa itinakdang contingency requirement ng operating margin ng grid, mamayang 3:00pm hanggang 5:00pm, at magpapatuloy ng 7:00pm haggang 10:00pm.
Dagdag pa ng NGCP, 10 planta ang hindi gumagana sa Visayas Grid habang 14 na planta naman ang gumagana.
Facebook Comments










